Mga Anak ni Josue
Pastor Ruben O. Alviar
September 30, 2007
1. Ang Banal na Kasulatan, aklat na pinagpala
nagsasaad
sa nakatitik si Yahweh ang nagwika
pusong
tiwangwang, tiyak na giginhawa
mistula
mang patay, mabubuhay na may pag-asa.
2. Hindi mabilang, tinuran na mga pangalan
mga
lingkod na hinirang, walang kapagalan
sa
utos ng Diyos masiglang iwinagayway
bandila
ng tagumpay sa Kristiano ngang tunay
3. Kay dami ng mga martir, bayani sa pananampalataya
nakatala na limbag at buhay na kahanga-hanga
sigla
sa paglilingkod, maging sa pakikidigma
may angkop na aral
at pusong mapagpakumababa
4.
Dinusta man ang pagkatao, hindi ito pinigilan
hinayaan na pagtawanan
sa bulwagan ng kahihiyan
leon
na halimaw, hayok sa kagutuman
namatay na Kristiano
sa langit nakatunghay
5. Buo at matibay sa pananamapalatayang taglay
hindi sa sariling
lakas at kakayahang husay
itinanging buhay kay Yahweh inialay
gantimpala sa langit,
kahandaang ibigay
6.
Natatanging lalake sa kalipunan nga ay pinili
sa
bansang hinirang, si Yahweh di nagkamali
matatag
sa pananampalataya at pusong mapagpakumbaba
sa
Dios ay tumalima, panganib di alintana
7.
Sumakop at lumupig sa mga haring balakyot
kagulat-gulat sa bilis,
wari hangin nabalaklaot
muog ng Jerico, bumagsak ito at
gumuho
gumimbal sa kaaway,
sa sigaw lang nanagumpay
8.
Ibinukod tanging pinili si Josue na kahanga-hanga
sa
lakbayin ay manguna, buhay tumalaga
ang lupang pangako, mararating at
makukuha
dahilan
si Yahweh, lakas na nangunguna
9.
Katangi-tanging pangalan, angkop sa pagkatao
maging sa kahulugan,
may batayan nga ito
Josue, tagapagligtas, ang gampanin at tanto
baguhin
nga ang taong pusong walang Kristo
10. Namumukod tangi, si Josue ay hinirang
lupang
naipangako, kanyang pangungunahan
sa
panahong una, at sa siglong kasalukuyan
tagapagligtas
na Kristo, Josue ang kahulugan
11.
Kristianong lingkod ay Josue rin sa kalagayan
handa sa pagtanggap,
tungkuling gagampanan
malasakit
sa puso, humikayat para kay Kristo
pader man itong hadlang,
magagawang maigupo
12.
Ako at ikaw, di sukat nga akalain
tinawag
sa pangangaral, saan mang lupain
gintong butil sa bukid, handa nang
anihin
pabayang magsasaka,
ang unos ay dumating
13. Tagubilin sa Kristiano, tuwirang paala-ala
kay
dami ng bilang, antas na babala
kalipunan
sa iglesya, ang tatag pananampalataya
bakuran ng panalangin,
mga buhay na pithaya
14.
Ang pansin ay paikutin sa laganap na kasalanan
maging ang pamilya
ay nagulo, nawasak na tahanan
kahirapan madarama, mababatbat sa
huling araw
katuwiran
ni Satanas, sa akala na tagumpay
15.
Bigyan pansin at halaga, wika na tinuran
pangako ni Josue,
ukol sa sambahayan
abang pagkatao habang nabubuhay
tanging si Yahweh
lamang ang paglilingkuran (Josue 24:15)
16. Ang nasain pangangaral, may sigla na nagpapatuloy
sa
diwang pagpapakasakit kay Kristo ukol
lakas
mandirigma, kapit-bisig ay di gahol
inakyat na bundok, pagsubok na maburol
17.
Ang patotoo sa buhay ay kasaysayang larawan
lundo ng halimbawa, kay Josue na iniwan
lakas
ng kabataan wala ngang sinayang
maging
sa pagsapit, hiblang taon sa katandaan
18.
Nagwikang Apostol Pablo sa Kristianong hirang
yaring abang buhay
sa katapatan ay magkulang
sumbat
ni Kristo, sa langit na luklukan
ang paningin di maitingin
sa gawang kahihiyan
19. Kamanggagawa kay Kristo, sapat na ang salita
ihagis
na ang lambat sa pamamalakaya
tungkuling
pangangaral ibahagi nga sa iba
sa pusong pinatigang,
sa tao na timawa
20.
Josue, aking kapatid, sulong sa paghayo
madawag
man ang landasin, saan man patungo
magtumulin
sa orasan, sa pagdating ni Kristo
tatanggapin na korona, tagumpay naabot na
21. Di nangangahulugan, alipin na sa kalagayan
sa
diwang pagsunod na walang kalayaan
kung
si Yahweh ang nag-utos buong talimang susunod
alimpuyo man ng dagat,
tatawirin kahit na malunod
22.
Masdan mo, o Kristiano, ang hula ay natutupad
ang lalang ng diyablo,
madayang tumulad
lisyang pananampalataya sa isipang
linsad
tuluyang iniligaw
manggagawang huwad
23.
Sa ating panahon, saklot ngayon ng pangamba
kaguluhan sa paligid,
ang moral ay bumababa
ang
utos ng Dios, talata sa Biblia
tandisang ikinatutuwa,
pagsuway na ginagawa
24. Sa ating kapaligiran kamalayan nga ay igala
kay
daming pader, hadlang sa pananampalataya
pagmamataas,
kasakiman, at inggit sa kapuwa
kay
hirap na tibagin, pundasyon sinuhayan pa
25.
At ang lipunan ay nakiisa sa talamak na kasalanan
pamahalaan at simbahan,
tila walang pakialam
sa
tahanang binuo, ulirang sambahayan
dahilan
din sa droga, nalugsong kapurihan
26.
With God, we can do it, laging paka-nasain
dahil kay Kristo,
tagumpay ay mararating
alinlangan at agam, sa puso ay pawiin
taluktok man ng Everest
magagawang akyatin
27. Makatotohanan lamang na dapat ngang aminin
kakayahan ng tao,
may hangganan na dalahin
anuman ang gawain, at bigat na pasanin
sa tulong ng Dios,
may ginhawang tatamuhin
28.
Sa aking pagtatapos, hayaan aking kilalanin
ang maraming Josue,
kamanggagawang turing
pagpapahalagang pedestal, alay ko
nga ay abutin
pangalan mo ay nakasulat,
sa langit babasahin
29.
Sa pagwawakas, yaring abang tulain
kahilingan sa madla,
nawa’y papagdapatin
isambulat ang mga tinig at sabay-sabay
na awitin!
“To God be the glory, ang Dios ay purihin”!